Si Juli

December 15, 2007

Isang babaeng humihingi sa akin ng tulong upang palayain si Basilio.

Isang babaeng lumapit sa akin sa kumbento.

Naglakas-loob sa aking harapan.

Masarap.

Sa mundong ito, ang sikreto ay dapat manatiling sikreto. Ngunit, kailangan paring mangumpisal sa aming mga prayle upang malinisan ang mga budhing nabahiran ng kung anu-anong kasamaan. Ako si Padre Camorra. Maging ako’y di ko alam ang aking buong pangalan. Hindi ko rin alam kung ang Camorra ba’y ang aking unang pangalan o ang aking apelyido. Tulad nga nang sinabi ko, may mga bagay na dapat walang makaaalam.

Para sa ngayon…

Ako’y nagpapaalam…

Sa muli…

Nagmamahal,

Padre Camorra

PS. Kung kailangan niyo ng tulong, pumunta lamang kayo sa kumbento